Pamamaslang sa PUP vice president may ‘lead’ na

INAASAHANG mabibigyan ng agarang linaw ang pag-ambush sa Polytechnic University of The Philippines (PUP) vice president for administration Atty. Augustus Cesar matapos na lumutang ang apat na tumatayong testigo sa krimen.

Kasalukuyan nang kinukunan ng pahayag at salaysay ang mga testigo at nakikipag-ugnayan na rin ang Manila Police District sa Land Transportation Office (LTO) para sa pagkakakilanlan ng motorsiklong ginamit ng mga suspek bilang get-away vehicle.

Sa salaysay ng mga testigo, sakay umano ang mga di nakilalang salarin sa kulay itim na Enduro motorcycle na may plakang 4991, nang barilin nila si Atty. Cesar sa may kanto ng Pureza St. at Ramon Magsaysay Blvd., sa Sta. Mesa, Maynila kagabi (Oktubre 12) habang minamaneho nito ang kanyang Toyota Hi-Ace.

Isa sa tinitignang anggulo ang administrative differences sa pagitan ni Cesar at ng PUP President na si Dr. Dante Guevarra kung saan kamakailan lamang ay sinamapahan ng huli ng patung-patong na kaso ang una sa Ombudsman.

Tinitignan ding anggulo ng MPD ang posibleng pagkakaroon ng personal na kaaway ng biktima.

Si Cesar ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng .45 kalibre ng baril sa ulo.

Kaugnany nito, hinihingan naman ng pahayag ni PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome ang district commander ng Maynila na nakasasakop sa lugar na pinangyarihan krimen sa nasabing opisyal ng PUP.

Matapos na makausap ng PNP chief ang district commander ay saka ito maglalabas ng iba pang kautusan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply