Pamangkin ni Sen. Guingona nagpakamatay

NABASAG ang bungo at nagkalasug-lasog ang katawan nang tumalon mula sa ika-31 na palapag ng Vivere Hotel sa Filinvest Corporate City, Alabang ang pamangkin ni Senator Teofisto “TG” Guingona kaninang madaling-araw.

Kinilala ni SPO2 Rodel Torres, imbestigador ng Muntinlupa City Police, ang biktimang si Martin Guingona Lamb, 20, at estudyante ng De La Salle University.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, unang nakikipag-inuman ang biktima kasama ang mga barkada nito nang tumalon mula sa ika-31 palapag dakong alas-2:00 ng madaling-araw.

Sinabi naman ng kaibigan ni Lamb na tila may problema ang biktima sa pamilya at napuna umano nilang malayo ang tingin at panay ang buntong hininga.

Kinumpirma ni Levin Bayocot, staff ni Sen. Guingona, na pamangkin ng senador ang biktima sa kapatid na si Marie Guingona-Lamb.

Dinala na sa Rizal Funeral Homes ang labi ng biktima para sa kaukulang awtopsiya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply