Pamilya nalason sa litson sa Davao

ISANG pamilya ang sising-sisi sa kanilang iniuwing litson galing piyestahan matapos silang malason nito.

Ang mga biktima ay pinangalanang sina Lita Fonda, 32; Marvin, 11; Ana, 11; Angela Mae, 6, at ang 3-anyos na si Alexian.

Napag-alaman na nag-uwi ang pamilya ng naturang litson mula sa isang piyesta sa New Fatima, Agdao, Davao City. Kinain ng pamilya ang kanilang dalang litson kagabi at bandang alas 12:00 ng hatinggabi nang makaramdam sila ng pagsakit ng tiyan at pagsusuka.

Itinakbo ang mga biktima sa Southern Philippines Medical Center para mabigyan kaagad ng lunas.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, hindi gaanong naluto ang litson at medyo iba ang amoy nito nang makain ng pamilyang Fonda.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply