Pampasabog nakita sa bus terminal

NATAGPUAN sa loob ng bus terminal ang isang improvised explosive device sa Caloocan City kagabi (Setyembre 30).

Sa ulat, dakong alas-9:40 ng gabi nang makita ng sekyung si Jake Cullantos ang isang bag na itim na iniwan sa loob ng Intra Park Terminal sa Rizal Avenue Extension ng lungsod.

Nilapitan ni Cullantos ang bag subalit amoy gasolina ito na dahilan upang hindi niya galawin at agad na ipinaalam sa mga pulis.

Nang tingnan ng mga bomb expert ang laman ng bag ay nakitang may laman na limang bala ng .9 mm, apat na bala ng .45, apat na bala ng .38 at chemical na ginagamit na pampasabog.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang nag-iwan ng bag at ang motibo sa nasabing insidente. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply