Pampasaherong dyip niratrat: 2 patay, 19 sugatan

PATAY ang dalawa katao habang 19 ang nasugatan makaraang tambangan at paputukan ang isang pampsaherong jeep ng 30 armadong kalalakihan kaninang madaling-araw, Oktubre 7, sa Maguindanao.

Nabatid na naganap ang pananambang bandang alas-3:00 ng madaling-araw na ikinasawi nina Enrique Balintuwan at Janeth Cruz habang ginagamot sa kasalukuyan ang mga sugatan sa Cotabato Regional and Medical Center.

Lulan ang mga biktima sa isang double tire passenger jeep mula sa Lebak, Sultan Kudarat province na patungo sa bayan ng Isulan. Pagsapit nito sa Kilometer 19, Brgy. Labungan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, bigla na lamang silang tinambangan ng mga nasabing lalaki na dala ang matataas na uri ng armas.

base naman sa drayber ng dyip na si Felix Abarle, hindi niya inihinto ang sasakyan bagkus ay pinaharurot pa ang takbo nito patungo sa lungsod ng Cotabato.

Panghoholdap naman ang tinitingnang motibo ng pulisya sa nasabing insidente kung saan pinaputukan na lamang ang sasakyan dahil sa hindi pagtigil nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply