Panahon na para kalusin ang IPPS

SA wakas ay natauhan din ang mga opisyal ng pamahalaan na namamahala sa ating power sector.

Nag-anunsyo kasi ang Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) na hindi na muna nila itutuloy ang apat na petisyon nila para itaas ang bayad sa kuryente na kung natuloy ay aabot sa P4.88 kada kilowatthour.

Alam ba ninyo, mga giliw na mambabasa, na kung itinuloy ng PSALM ang petisyon ay makikilala tayo sa buong mundo sa isang kakaibang katangian o kalagayan?

At alam ba ninyo ang katangian na iyon?

Tayo na sana ang aangkin sa titulo na may pinakamataas na ibinabayad sa kuryente sa buong mundo!

Totoo po iyon.

Ibig sabihin magiging mas mataas pa ang presyo ng kuryente natin keysa sa mga mauunlad na bansa gaya ng Germany, France, Japan, United States of America, France at marami pang iba.

Wala naman sanang problema kahit tayo ang may pinakamataas na rate ng kuryente sa buong mundo, iyan ay kung kasama rin naman sana tayo sa listahan ng pinakamayayamang bansa sa mundo.

Iyon nga lang, mukhang ang Meralco lang at independent power producers ang kasama sa listahan ng pinakamayayaman samantalang kasama naman ang Pinas sa grupo ng pinakamahihirap na bansa sa buong daigdig.

Tsk! tsk!

Kawawa naman talaga

tayong mga Pinoy.

Bagsak na nga dahil sa sobrang hirap ng buhay ay alaga pang apakan at tadyakan ng iilang mayayaman.

Mukhang mahihirapan si Pangulong Noynoy Aquino na pangatawanan ang kanyang mga pangako noong panahon ng kampanya na ibabangon niya mula sa kahirapan ang mga Pinoy.

Alam ko kasi na kahit desidido siya sa kanyang layunin ay nagiging pangunahing sagabal sa kanyang mga plano ang sobrang taas na presyo nang kuryente dito sa bansa. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply