Panalo sa operasyon vs lawless elements idineklara ng AFP

MAKARAANG ang tatlong araw na military operations sa Zamboanga Sibugay, idineklara na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tagumpay nila laban sa mga lawless elements.

Ani Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Lt. Col. Arnulfo Burgos, sa isinagawang operasyon ng tropa ng pamahalaan, nasa 18 suspek ang namatay.

Ayon sa opisyal, ang mga napatay ay mga miyembro ni renegade Moro Islamic Liberation Front (MILF) commander Waning Abdusalam.

Ang grupo ni Abdulsalam ay tinuturong responsable sa pagdukot noon sa isang Italyanong pari at tatlong mga guro.

Kasabay nito, kinukumpirma na rin ng AFP ang naunang report na kabilang si Abdulsalam sa mga nasawi sa isinagawang airstrikes ng Philippine Air Force.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply