Panel na ‘bubulatlat’ sa libro ng oil companies binubuo na ng DOE

BINUBUO na ng Department of Energy (DOE) ang panel na magsisiyasat sa libro ng mga kumpanya ng langis kaugnay sa presyuhan ng produktong petrolyo.

Sinabi ni Energy Undersecretary Jay Layug, sisimulan ng panel na bulatlatin ang finances, accounts at maging ang formula na ginagamit ng mga kumpanya ng langis sa kanilang pagpepresyo sa huling linggo ng Oktubre..

Samantala, tiniyak naman ni Layug na tama lang ang pinakahuling pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw at wala na aniyang magagawa ang ahensya dito.

Dahil dito, hinikayat na lang ni Layug ang mga motorista na tipirin ang kinokonsumong produktong petrolyo upang mabawasan ang epekto ng hindi mapigilang pagtaas ng presyo nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply