Pangako ni lola napako, estudyante nagbigti

ISANG grade six student ang nagbigti dahil umano sa hindi natupad ang pangako sa kanya ng kanyang lola sa Barili, Cebu.

Kinilala ang estudyante na si Ramzel Halos, 13 anyos, na posible sanang magtatapos bilang valedictorian ng kanilang klase.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natagpuan si Halos na nakabigti gamit ang nylon cord sa puno ng mangga sa labas ng kanilang silid-aralan sa Maghanoy Elementary School.

Bago ang insidente, nakita pa si Halos na sumayaw sa kanilang school program para sa pagdiriwang ng Teacher’s Day at gumawa pa ng poster para sa mga guro.

Tumulong pa umano ito sa mga guro sa paglilinis matapos ang programa.

Ayon sa isang guro at guidance counselor na si Vivelyn Balucos, narinig niya si Halos na sinasabi sa mga kaklase na magpapakamatay siya dahil hindi tinupad ng kanyang lola ang pangakong bibilhan siya ng Boy Scout uniform.

Sinabi pa ni Balucos na bukod dito madalas aniyang magsumbong sa kanya ang bata na pakiramdam niya ay hindi siya binibigyang halaga ng pamilya.

Sinisisi naman ng ina ng bata na si Esmeralda ang sarili sa nangyari sa anak dahil ipinaubaya niya ito sa lola upang magtrabaho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply