Panganib ng social networking sites sa mga bata

PA-TWEET-TWEET na lang, pa-like-like na lang. Lahat ay crazy na over social networking sites. Facebook, Twitter, My Space at pati na ang YouTube, tuwang-tuwa tayo kapag nag-a-update tayo ng status o naglalagay ng bagong photos and videos. Masaya naman talaga eh, pero dapat lang na mag-ingat.

Ayon sa survey mas maraming kabataan ang may account sa mga social networking site kaya huwag ng magulat ang mga magulang kung pati ang kanilang teenager na anak na may account na sa Facebook o sa Twitter.

Sa una, oo nakakatuwa ngunit dapat na mag-ingat.

Masasabi mo pa kaya na: “wow ang gaganda ng photos na in-upload niya,” O kay naman ay “ang cute mo anak sa pics mo sa Facebook,” kung magdudulot ito ng panganib?

Mga nanay at tatay, okey lang mag-Facebook ang mga anak ngunit ang katotohanan ay maaaring ma-expose ang inyong mga anak sa panganib. At ang masaklap pa nito, hindi nila alam na may panganib dahil maaari silang maloko o ma-deceive.

Yung fact pa lang na pwede kang mag-upload ng photo na hindi mo naman talaga photo ay deceiving na hindi ba? So, maaaring may makilala sa Facebook na hindi talaga nila photo ang nasa profile picture ng kanilang account.

Ilang beses na bang na-expose sa telebisyon ang maraming “modus” sa social networking sites ng mga taong walang magawang mabuti. Kung hindi pa ninyo alam, ay mabuting mag-research kayo tungkol dito.

Isa sa mga modus ng mga taong “halang ang kaluluwa” ay ang manloko sa Facebook. Halimbawa, may isang lalaki, liligawan ang anak ninyo sa Facebook, susuyuin ng bonggang-bongga hanggang sa mahulog ang loob ng inyong anak sa estranghero. Tapos magse-set ng “EB” (eye ball), ayun na, walang kaalam-alam ang anak mo na manyak pala ang ka-chat/suitor niya sa FB. Pwede siyang magahasa. Isa pang worse ay, kapag nag-EB wala ring idea ang anak mo ng kidnapper pala ang “friend” niya sa FB.

Nakatatakot di ba? Pero bilang magulang ay dapat na maprotektahan ninyo ang inyong mag anak.

Hindi naman kailangan na pagbawalan silang mag-FB at tiyak na giyera ang mangyayari sa pagitan ninyo at ng mga anak. Alam naman ninyo na kapag nasa adolescence stage ang mga bata ay iba ang tingin nila sa pagpo-protekta ng kanilang magulang, pero hindi naman sa lahat. Depende pa rin ito sa kung paano sila napalaki o sa lugar kung saan sila lumaki.

Mabuting gawin ay pag-aralan din ng mga magulang ang mga security measure o setting ng Facebook upang mapangalagaan ang account at maiwasan ang panganib na dulot ng mga taong may masasamang balak sa inyong anak.

Ituro sa kanila kung paano mapoprotektahan ang sarili laban sa mga panganib na maaaring dulot ng social networking.

Sabihin sa kanila na nangyayari talaga ang mga nakatatakot na panganib sa Facebook upnag sa ganun ay sila mismo ay matutong kumilatis ng taong ia-approve nila bilang friend sa FB.

Igiit sa inyong mga anak na kung ang isang tao ay hindi nila kilala ay huwag silang i-approve sa FB at huwag ring pansinin ang kanilang mga ipadadalang mensahe.

Hind ba nga’t may kasabihan na “don’t talk to strangers,” at huwag silang i-entertain.

Mabuti pang gawing kapaki-pakinabang ang Facebook. Gumawa kayo ng fanpage kung saan ang pinaka tema nito ay isang adbokasiya. Halimbawa, nagpo-promote ng mga magagandang tourist spots sa Pilipinas. I-upload ninyo ang mga photos ng buong pamilya habang kayo ay naga-outing o kaya ay nasa bakasyon. Sa tuwing magti-tripping kayo ay ilagay ninyo ang mga photos ninyo sa mga beautiful spots sa Pinas. O di ba makatutulong pa kayo?

Upang mai-involve ang buong pamilya ay magkaroon ng corner para sa anak na siya ang sasagot sa mga queries ng mga readers ninyo.

O kaya naman ay gamitin ang Facebook sa negosyo at isali ang mga bagets. Aba uso na rin ngayon ang online direct selling o kung anu-ano pa na may kinalaman sa business.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply