Panibagong oil price hike inalmahan ng transport group

UMALMA ang grupo ng transportasyon sa panibagong pagtataas na ipinatupad ng

mga kompanya ng langis sa presyo kada litro ng diesel na naging epektibo kaninang alas-6 ng umaga.

Ayon kay George San Mateo, secretary general ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), malinaw na halagang P30-kada araw ang mawawala sa kanilang kita dahil sa muling pagtataas ng presyo ng diesel.

Umaabot aniya sa 30-litro ng krudo ang kanilang nauubos sa maghapong pamamasada kaya katumbas ito ng P30 na pagkawala sa kanilang arawang kita dahil sa P1 kada litrong itinaas ng diesel.

Una mang nag-anunsiyo ang Petron Corporation ng pagtataas ng P1 kada litro ng diesel at P1.10 naman sa kerosene habang nagtapyas naman sila ng P0.50 sentimos sa presyo ng premium at unleaded gasoline.

Kasunod na nag-anunsiyo ng kahalintulad na pagtataas ng diesel ang Total at P0.20 sentimos na rollback naman sa premium at unleaded habang hindi naman gumalaw ang presyo ng regular gasoline.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply