Panibagong rollback sa petrolyo ipatutupad

NAKATAKDANG mag-rollback sa presyo ng petrolyo ang Pilipinas Shell mamayang madaling araw (Oktubre 3).

Ito ang inanunsiyo ng nasabing kompanya kung saan magiging epektibo ito mamayang alas 12:01 ng madaling araw.

Ayon sa Pilipinas Shell, ang ibabawas sa regular gasoline ay P1.20 kada litro  habang  P.80 sa kerosene at sa diesel naman ay magbabawas ng P 1.20 kada litro.

Nabatid  na ang  panibagong rollback sa presyo ng petrolyo ay bunsod pa rin ng bumababang presyo nito sa world market. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply