Pansabaw ng bigas ang balibagan ng dumi

PARE-PAREHO lang naman kami.

Ito ang sinasabi ng mga nababaha kung tatanungin sila ukol sa pagtatapon ng kanilang mga dumi habang sila’y binabaha.

Sa ibang salita, pare-pareho silang nagtatapon ng laman ng arinola sa labas ng kanilang mga bintana o mula sa kanilang mga bubong makaraan silang maglabas ng sama ng loob.

Kung tinatanong naman sila ukol sa kanilang pagluluto at paliligo, pare-pareho rin umano sila.

Mula sa tubig-baha ang pinanghuhugas nila ng bigas at ulam na kanilang niluluto at pinampapaligo.

Yaaaak!!!

Nakadidiri?

Ngunit totoo!

oOo

Hanggang sa kasalukuyan, nagaganap ito sa mga binabaha pa ring lugar.

Eh paano pa kung isipin natin ang pagkawasak ng mga poso negro ni Juan, ng mga manukan, babuyan at iba pang hayupan at humalo sa tubig-baha ang laman ng mga ito?

Paano ang mga nakawalang kemikal mula sa mga pabrika, natutulog na basura sa mga imburnal at mga basurahan ng mga munisipyo, lungsod at probinsiya na humalo rin sa mga tubig-baha?

Paano ang mga kemikal na ibinomba sa mga sakahan, sa mga pagawaan ng tela at iba pa?

Sa ibang salita, Suki, puno ng dumi at polusyon ang kapaligiran sa kasalukuyan, lalo na sa mga lugar ng mga binabaha.

Nakadidiri talaga ang buong kapaligiran.

oOo

Pero hindi lang kadirihan ang usapan dito.

Ano-ano ang mga  maitutulong natin sa mga nasasalanta ng bagyo at baha?

Pero nasa balikat ng pamahalaan ang malaking responsibilidad.

Lalo’t nakararami naman ang walang kakayahang kumandili sa mga biktima.

PNoy, paano ito, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply