Panty at bra ng Bombay tinangay ng 2 kawatan

KASAMANG tinangay ang pahulugang panty at bra ng isang Bombay ng dalawang holdaper sa Caloocan City kaninang umaga.

Agad namang nadakip ang suspek na si Ronald de Guzman, 36, ng Dagat-dagatan, habang nakatakas ang kasama nito na kinilala lamang sa alyas Jury.

Sa ulat, alas-9 ng umaga, naglalakad ang biktimang si Jaspal Singh, 47 ng Navotas sa Dagat-dagatan Avenue, Caloocan City nang harangin at tutukan ng baril ng mga suspek.

Kinuha ng mga suspek ang singil ni singh na P12,000 at tig-anim na piraso ng panty at bra.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang nakahingi ng tulong sa mga pulis si Singh.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si De Guzman habang nakatakas si Jury dala ang mga nakulimbat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply