Panukala ng MMDA sa billboards at motorcycle lane

DALAWANG mahahalagang panukala ang iniharap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na una ay ang pagtatanggal ng mga billboard sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Avenue at sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Layunin anya nito ay maiwasan ang di-miminsang sakuna nitong mga nagdaang trahedya kung kaya’t hangad nila na matigil ang katulad na pangyayari tuwing dumadalaw ang bagyo sa bansa partikular sa Metro Manila.

Mainam ang panukala ni MMDA chair Atorni Francis Tolentino subalit malaki ang magiging epekto nito sa tinatanggap na kita ng mga siyudad na kung saan nakatayo ang mga billboard na ito.

Isa pang panukala ng MMDA chair ay ang pagtatalaga ng sariling ruta ng mga motorcycle-driving na mamamayan. OK ito, ang hindi ayos ay ang mga motorcycle driver na kulang sa tamang disiplina. Maka-tutulong ito sa pagkabawas ng laganap na aksidente na hindi bumababa sa lima kada araw batay sa rekord ng pulisya. Bukod dito baka matigil na ang patayan na karamihan ay gawa ng mga riding-in-tandem na mga suspek.

o0o

MARAMI ang sumasaludo kina Jerry S. Yap, pangulo ng National Press Club at Benny Antiporda, presidente ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) sa sigasig nila sa pagtulong sa mga kasapi sa pamamagitan ng ipinatatayong pabahay sa Pulilan, Bulacan.

Magandang balita sa mga papalaring makakuha sa housing project dahil kung lumulubog sa baha ang Calumpit, Hagonoy at bahagi ng Malolos City ang lugar ng housing project ay hindi binabaha batay sa personal na pag-iinspeksyon ng pamunuan ng dalawang media association nang dalawin nila ito noong kasagsagan ng bagyong Pedring at Quiel.

o0o

BAKIT hindi maaksyunan ng mga ahensya ng lokal at pambansang pamahalaan ang pananatili ng mga palaboy at mga nagkalat sa lansangan na mga sumasampa pa sa mga pampasaherong jeepney para mamalimos na kung ano-ano pang gimik ang ginagamit.

Sa pagdagsa sa Metro Manila at iba pang kalunsuran ng ilang taga Sulu (‘di umano’y mga Badjao) na may kilik pang mga bata at mga nagmula pa sa bulubundukin ng Benguet ay palatandaan na nalalapit na ang Kapaskuhan.

Ok ito, pero paano kung ang mga ito ay mga tangkilik lang ng mga sindikato na hindi malayong nangyayari dahil sa katusuhan ng mga masasamang-loob.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply