Parak niratrat ng misis, bago nagpatiwakal

PATAY ang isang kagawad ng Philippine National Police sa Lanao del Sur matapos barilin ng kanyang misis bago nagpakamatay naman sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Ayon sa report sa Camp Crame, naganap ang pamamaril bandang 3:00 ng madaling-araw sa bisinidad na malapit sa Camp Bagong Amai Pakpak, Marawi City, Lanao del Sur.

Kinilala ang biktima na si PO1 Samoranao Bilao Radiamoda, 42, nakatalaga sa Tubaran Municipal police station.

Lumalabas na binaril muna ng suspek ang kanyang mister saka tumakas matapos ang insidente.

Subalit nakalipas ang ilang oras ay natagpuang patay na rin ang salarin na may tama ng bala ng baril sa tiyan sa loob ng Mindanao State University Ceramics Bldg sa Barangay Biaba Damag, Marawi City.

Hinala ng pulisya na nagpakamatay ang suspek matapos mapatay ang kanyang mister.

Inaalam na kung ano ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply