Parak sugatan sa pagsabog sa Cotabato City

NASUGATAN ang isang pulis makaraang sumabog ang isang improvised explosive device sa harapan ng Public Attorney’s Office sa Sinsuat Avenue, Cotabato City umaga ng Biyernes, Oktubre 28.

Kinumpirma naman ni Cotabato City police director Supt. Roberto Badian na kabilang sa tauhan niya ang nasugatan na nakadestino sa naturang lugar bilang traffic police.

Batay naman sa technician ng isang tindahan malapit sa pinangyarihan, napakalakas ng pagsabog na ikinagulat ng mga pasahero malapit sa naturang lugar bandang 9:30 a.m.

Nabatid pa sa inisyal na imbestigasyon na ang bomba ay gawa sa 60-mm mortar at inilagay malapit sa Café Florencio, restaurant sa naturang lungsod.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply