Parak sumemplang sa motorsiklo, tigok

TODAS sa aksidente ang isang pulis nang sumemplang ito sa motorsiklo sa La Union kaninang umaga.

Dead on the spot sanhi ng pagkabagok ng ulo sa sementong kalsada ang biktima na si P02 Bernardo Tubon, nakatalaga sa Bangar Municipal Police at residente ng Barangay Lapug sa bayan ng Magsingal, Ilocos Sur.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa national highway ng Barangay Blas, bayan ng Bangar, La Union.

Ayon sa mga nakasaksi, bago ang aksidente ay matulin umano ang pagpapatakbo ng biktima at dahil doon ay nawalan ito ng kontrol sa kanyang sasakyan kaya ito sumemplang.

Nabatid na wala ring suot na helmet ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply