Parak tepok sa mismong istasyon sa Laoag

NAGTAMO ng tama ng baril na ikinamatay nito ang ang isang parak sa loob mismo ng police station sa Laoag City kaninang umaga, Oktubre 19.

Nabatid na narinig ng mga kasamahan ni Senior Police Officer 2 Edwin Aquino ang putok ng baril sa loob ng quarters nito at nang makita nila ang biktima ay duguan na at hawak pa ang kanyang 9mm caliber.

Kasalukuyang inaalam ng mga imbestigado kung aksidente ang pangyayari o may bumaril sa biktima.

Base naman sa pahayag ng biktima, wala namang nasasabi sa kanilang problema ang pulis. Report from Randy Menor, Laoag Correspondent

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply