Parañaque dalawang sunod nagkasunog

DALAWANG establisimiyento ang magkasunod na nasunog kagabi (Oktubre 23) at kaninang madaling araw sa Parañaque City.

Unang tinupok ng apoy ang barracks na tinutulugan ng mga empleyado ng Federal Express, isang kompanya na nagpapadala ng parcel sa iba’t ibang bansa.

Nagsimula ang sunog dakong alas-7:50 ng gabi sa FedEx garage livelihood compound, Barangay Sto. Niño, Parañaque City.

Nagsimula ang apoy sa kisame na hinihinalang bunga ng faulty electrical wirings, nadamay sa sunog ang isang kulay puting van na may plakang IES-160 na ginagamit ng mga emplyedo ang pagdedeliver ng
parcel.

Ang sunog ay naapula dakong alas-8:15 ng gabi at tinatayang umabot ang napinsalang ari-arian sa P100,000.

Kasunod nito ay nasunog naman ang Laudryman dry clean na nasa Resident Avenue, Brgy. BF Homes, Country Bliss na pag-aari ng isang Josie Buts ng nabanggit na lungsod.

Nagsimulang sunog dakong alas-3:35 ng madaling araw, nang tupukin ng apoy ang mga appliances sa kinalalagyan ng washing machine.

Agad naman naapula ang apoy bandang alas-4:00 ng madaling araw at inaalam pa ang sanhi ng sunog na hinihinala ring bunga ng faulty electrical wiring.

Inaalam pa ng arson investigators ang halaga ng pinsala dulot ng sunog. Wala naman iniulat na nasaktan o namatay sa kaganapan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply