Parangal kay PNoy, tagumpay ng Pinoy (2)

MAKARAANG parangalan ng Fordham University, sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino, “These names include seven of my pre-decessors, including that of my mother. I am struck by the symbolism of Fordham’s tradition of literally carving in stone, the names of leaders upon whom you have conferred honorary doctorates. Memorialized in this manner for all time, these names serve as proof positive, or proof negative of this university’s considered judgment in bestowing this honor. It serves as a permanent reminder that the verdict of history on those who have been accorded this distinction will neither be deferred, nor ignored. Now, as it is my turn to accept an honorary doctorate from you, I would like to speak of what brought me to this place, as President of the Philippines. I am here to represent a people who were not given, but rather, who gave themselves a fresh start.”

Kabilang din sa mga isinalaysay ng Pangulo ay kung paanong ang mga Pinoy ay nakabangon mula sa pagkakalugmok matapos ang panahon ng diktadurya.

“After a decade of political turbulence, the Philippines has entered into an era of renewed stability and confidence. The Filipino people have truly discovered that power is theirs: that the People Power that faced down tanks and artillery, truncheons and teargas, can be the dynamo for progress and the lasting mortar for a government that applies its laws fairly,” dagdag pang pahayag ng Pangulo.

Matapos ang mga seryosong usapin ay nasaksihan ko kung paanong nakipagbiruan at masayang nakipagkuwentuhan ang Pangulo sa mga kapwa ko taga-media. Game na game na sinagot ng Pangulo ang mga katanungan mula sa amin, maging ito man ay ukol sa kanyang buhay-pag-ibig.

Nasaksihan ko rin kung paano niya hinandugan ng isang awit ang ating kasamahan sa Media at aking ama na si Rey Langit matapos nitong gunitain ang kanyang kaarawan doon.

Sa aking mga nasaksihan at namalas masasabi kong ang mga ginawang ito ng ating Pangulo at ang parangal na kanyang natanggap ay isang hakbang upang ang ating lahi ay maiangat at higit pang kilalanin, isa itong simula patungo sa tuwid na landas na magbubukas ng mas maunlad na kinabukasan para sa ating mga Filipino.

***

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan over-seas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LA-NGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply