Pareho na kasing walang career: Mag-Inang Maria Isabel at Mara Lopez join na lang sa Survivor Philippines

KUNG may career mang matatawag pa ang dating Binibining Pilipinas Universe na si Maria Isabel Lopez, ‘yung sinasama na lang siya sa mga Indie Films. Sa TV naman so-so na lang ang papel niya. Well, hindi naman kasi niya inalagaan ang kanyang body.

Payat nga siya pero nagmumura naman ang kanyang puson, no? ‘Yung daughter naman niyang si Mara sa dating Japanese husband, pinilit naman ng Dos na kahit papano ay bigyan ito ng exposure kaso wala talaga itong “K” na sumikat kaya sumuko na rin ang nasabing network. Ang latest, dahil parehong walang career ay join na lang ang mag-inang ito sa bagong season ng Survivor Philippines Celebrity Edition.

Alam nyo na-man na kapag sumali ka na sa ganitong Reality show, ka-level mo na ang mga has been. Ha’y naku! Bagay lang ‘yan sa iyo kasi hindi ka totoo sa iyong sarili at ang hilig-hilig mong mag-OPM day. Saka, wala ka na ngang name ay isnabera ka pa! Hala, sige, magdusa kayong mag-Nanay diyan sa Isla. Teka, launching movie mo nga pala ‘yan Maria Isabel Lopez. How sad gyud!

***

John Lloyd at Shaina may pasasabuging issue

MALIBAN sa hot na hot na item sa showbiz couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Umaalingawngaw rin ang isyung hiwalayan sa pagitan ng magsyotang John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao dahil kay Ruffa Guttierez na ex ni Lloydie. Palaban pa naman itong si Shaina kay Ruffa so siguradong exciting ang panayam na ito.

At any rate, marami ang nanghihinayang sa relasyong John Lloyd at Shaina. Buong akala kasi nang nakararami ay sa simbahan na ito magtatapos.

But knowing John Lloyd to be somewhat promiscuous, tiyak na marami ang nag-aabang sa kahihitnan ng relasyong ito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply