Pari, karelasyon inireklamo ng adultery

NO SHOW ang isang pari at ang karelasyon nito sa preliminary investigation sa reklamong “adultery” na isinampa ng mister ng babaeng karelasyon ng una sa Pampanga.

Kinilala ang pari na si Fr. Louie Maghirang, hindi sumipot sa pagdinig at nagpadala lamang ng kanyang abugado na si Atty. George Logronio.

Nakasuot naman ng itim ang lalaking nagreklamo, sampu ng kanyang mga kamag-anakan sa loob ng opisina ng piskal kung saan idinaos ang preliminary hearing.

Hindi nagbigay ng anumang pahayag ang lalaki na nakiusap na huwag banggitin ang kanyang pangalan, maging ng kanyang asawa sa interes at proteksyon ng kanilang 3-anyos na anak na lalaki.

Nabatid na nagsampa ng kaso ang biktima dahil umano sa nararamdamang sakit  sa kanyang dibdib sa panloloko ng kanyang misis.

Itinuloy pa rin ng lalaki ang paghahain ng reklamo sa korte sa kabila ng pakiusap ng archdiocese ng San Fernando Pampanga, kung saan sinuspendi na si Manghirang noong Hulyo bilang kaparusahan sa pari.

Sa reklamo na inihain ng asawa ng karelasyon ng pari, natuklasan lamang niya ang kataksilan ng dalawa nito lamang Abril ngayong taon.

Kung mapatutunayan , may kaakibat na kaparusahan aabot sa walo hanggang 12 taong pagkakakulong ang maaaring bunuin ng mga akusado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply