Parusa, multa sa nagbebenta ng ‘botcha’ itinaas ng DA

TINAASAN ng Department of Agriculture (DA) ang parusa at multa sa mga mahuhuling nagbebenta ng mga double dead na karne o “botcha.”

Ito ay bahagi ng pagpapaigting ng kampanya ng ahensya laban sa anumang botchang karne.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, mula sa P1,000 hanggang P10,000 multa, itinaas ito sa P25,000 hanggang P500,000 depende sa dami ng makukumpiskang botcha.

Mula naman sa dalawang buwan at hindi hihigit sa anim na buwang pagkakakulong ay itinaas ito sa anim na buwan at isang araw at hindi hihigit sa anim na taong pagkakakulong.

Itinaas ang multa at parusa upang magdalawang-isip ang mga tindero na magbenta ng mapanganib na karne.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply