Parusa sa magnanakaw ng cp, mas hihigpitan

DAHIL sa talamak na nakawan ng cellular phones at iba pang portable gadgets, isinulong ng isang kongresista na mas higpitan ang kaparusahan sa sinumang gagawa nito.

Sa House bill 5403 na inihain ni Laguna Rep. Maria Evita Arago, nagpahayag ito ng pagkabahala dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng krimen na may kaugnayan sa snatching at pangho-holdap ng cellphone at iba pang gadgets kung saan karamihan sa mga biktima ay nasusugatan at namamatay.

“Furthermore, these equipment are easy to sell and fencing of these criminaly acquired items is now commonplace” ayon kay Arago.

Sa ilalim ng panukalang Anti-Theft and Robbery Portable Communications Devices Act of 2011, isinulong ni Arago na gawing maximum o mas mataas pa ang parusa na ipapataw sa mga lalabag sa nasabing batas.

Paliwanag pa ng kongresista na sa kasalukuyang batas, ang kaparusahan sa magnanakaw ay hindi sapat kaya patuloy na  nagsisilbing banta sa personal na seguridad ng publiko ang mga magnanakaw ng cellphone at gadgets.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply