Pasahero kritikal matapos malaglag sa bus

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang pasahero ng bus matapos mahulog sa sinasakyan nitong MGP Transport sa kahabaan ng westbound lane ng Commonwealth Avenue.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni Edgardo Guenio ng Traffic Sector 5, may iniiwasang bisikleta ang driver ng bus na may plate no. TYJ 252 kaya bigla itong pumreno na naging sanhi ng pagkakahulog mula sa estribong bahagi ng bus ng biktimang kinilalang si Joel Morales.

Sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)Traffic Enforcer Epifanio Palacay na sinugod ng konduktor sa East Avenue Memorial Hospital ang biktimang may sugat sa paa, kamay, at putok sa ulo habang tumakas naman ang driver.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang bus driver matapos i-impound ang sasakyan sa traffic sector para maimbestigahan. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply