Pasaherong pauwi ng lalawigan dagsa na

NAGSIMULA nang dumagsa sa mga bus terminal ang mga pasaherong papauw sa lalawigan para gunitain ang Undas.

Sa Araneta Bus Terminal sa Cubao Quezon City  tinatayang umaabot sa 4,000 pasahero ang bumibyahe kahapon ng hapon (Oktubre 27) patungo sa mga lalawigan.

Karamihan sa mga biyahe ay fully-booked na kaya naman madaling umaalis ang mga bus sa naturang terminal.

Sa pagtataya ni Terminal Officer Roland Tagle, umaabot na sa 4,500 ang bilang ng mga pasahero ngayong umaga pa lamang at posibleng umakyat pa ito sa mahigit 8,000 hanggang mamayang hapon lalo’t payday.

Inaasahang mas dadagsa ngayong araw ang mga pasaherong papauwi ng probinsya dahil ngayon ang huling araw ng pasok ng mga empleyado sa kanilang trabaho bago ang mahabang weekend bukas para sa Undas.

Maging sa mga pantalan at paliparan ay makapal na ang mga biyahero na palabas ng Metro Manila. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply