Pasaway na bike riders pagmumultahin ng MMDA

BINALAAN ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga nagmomotorsiklo na hindi dadaan sa mga itinalagang motorcycle lanes sa Commonwealth Ave. sa Quezon City at sa Macapagal Ave. sa boundary ng Pasay City at Parañaque City.

Ayon kay Atty. Emerson Carlos, Assistant General Manager for Operations ng MMDA, P500 ang multa sa bawat paglabag dito.

Nagpaliwanag din si Carlos kung bakit sa ikaapat na linya o fourth lane ng Commonwealth Ave. itinalaga ang motorcycle lane.

Ayon kay Carlos, bukod sa sinunod nila ang ordinansa ng Quezon City Council, ang fourth lane ay tinatawag ring “non-exclusive designated lane for motorcycles.”

Nilinaw naman ni Carlos na hindi naman ipinagbabawal na dumaan sa motorcycle lane ang mga sasakyang may apat na gulong.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply