Paslit huli sa droga sa Dagupan

INARESTO ang isang 12-anyos na bata matapos makaraang mahulihan ng hinihinalang shabu sa Dagupan City.

Nahuli ang naturang bata habang nagsasagawa ng patrolya ang pulisya sa may Sitio Silungan sa naturang lungsod kasama ang isa pang nakatakas na kasalukuyang nagsasagawa ng transaksyon tungkol sa illegal drugs.

Nakumpiska ang tatlong plastic sachet ng shabu at pera na ginamit sa transaksyon.

Aminado naman ang nasabing suspek na hindi lang siya at marami pa silang mga bata na gumagawa ng ganitong transaksyon sa iligal na droga sa naturang siyudad.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply