Paslit kinatay ng tiyuhin na may sayad

PINAGLALAMAYAN na ngayon ang bangkay ng isang 2-anyos na paslit na pinagsasasaksak ng sarilng tiyuhin na may sayad sa pag-iisip sa Binan, Laguna.

Naaresto naman agad ng pulisya ang suspect na si Hadji Bombasi, 19-anyos at nakakulong na ngayon sa Binan police Office pero plano itong ipatingin sa mental institution dahil pinaniniwalamang kaya nito pinatay sa saksak ang 2-taong gulang na biktimang hindi pinangalanan ay dahil may diperensiya ito sa utak.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente kaninang umaga sa isang matahib na lugar na ilang maetro lamang ang layo sa bahay ng mga Bombasi.

Ayon sa ina ng biktima, bago ang insidente ay ipinagpaalam ng kanyang kapatid (suspek) ang kanyang anbak na isasama sa pagbili ng sigarilyo sa tindahan.

Pero nagtaka ang naturang ginang dahil nang magbalik sa kanilang bahay ang kanyang kapatid ay hindi na nito kasama ang kanyang paslit na anak.

Tinanong niya umano ang suspek kung nasaan ang kanyang anak at sa kanyang pagkabigla ay sinabi nitong sinaksak at napatay niya ito bago inabandona sa isang madamong lugar.

Dumulog agad sa pulisya ang naturang ginang para ipadampot ang kanyang kapatid at puntahan ang sinasabing lugar na pinagtapunan ng bangkay ng biktima. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply