3-anyos paslit sinagpang ng baboy, kritikal

NASA kritikal na kalagayan ngayon ang isang tatlong-taong gulang na batang lalaki matapos itong sagpangin ng kanilang alagang baboy sa bayan ng Pikit North Cotabato, sa ulat ngayon ng pulisya.

Sa report na nakarating sa Camp Crame. ay kinilala ang biktima na si Laugo Jay Amado, taga-Paidupulangi, bayan ng Pikit.

Nabatid na kasalukuyang nag-aayos at naglilinis ng kulungan ng baboy ang mga magulang ni Jay ng maka-alpas ang kanilang alaga at hinabol ang biktima at kinagat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad itong isinugod sa Pikit Hospital ngunit inilipat din sa isang pagamutan sa Midsayap, North Cotabato dahil sa malubhang kalagayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply