Pay rules sa ‘holiday’ inilatag ng DOLE

NAGPALABAS na ng pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) na susundin ng mga employer para sa Oktubre 31, (Lunes) at Nobyembre 3, (Martes) na idineklarang special non-working days ng Malakanyang.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldos, kailangang sundin ng mga employer ang umiiral na labor standards sa special non-working days kung saan wala ring mga pasok sa Araw ng mga patay.

Muling pinaalala ni Baldoz na kapag pumasok ang mga manggagawa sa nababing mga petsa a ydapat silang tumanggap ng 130 % ng daily rate para sa unang walong oras ng trabaho.

Tatanggap naman ito ng karagdagang 30 porsiyento ng hourly rate kung magtatrabaho ng lampas pa sa walong oras.

Gayunman, ipatutupad sa mga empleyado ang no work, no pay policy kung hindi magtatrabaho ang isang empleyado sa nasabing araw, maliban na lamang kung may paborableng polisiya, practice o Collective Bargaining Agreement (CBA) na ipinatutupad ang kompanya na nagkakaloob ng bayad  para sa special days kahit hindi nagtrabaho ang isang empleyado.

Kung natapat naman ang special day sa araw ng pahinga ng empleyado at nagtrabaho ito, dapat siyang bayaran ng 150 porsiyento ng regular daily rate sa unang walong oras at karagdagang 30 porsiyento ng hourly rate kung ito ay mag-o-overtime.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply