PCG maglalagay ng ‘help desk’ sa mga pantalan

MAGLALAGAY ng “help desk”  ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga major ports para umasiste sa mga bakasyunista patungo sa kani-kanilang mga probinsya para sa Undas.

Ayon kay Coast Guard Admiral Ramon Liwag, makikipag-ugnayan ang kanilang ahensya sa iba’t ibang transportation agencies para sa pagdagsa ng mga tao upang matiyak ang zero casualties.

“Kung ang isang pasahero may problema, may hihingan ng tulong o kung nagkaroon ng karamdaman may tropa ng gobyerno na tutulong sa kanya,” ayon kay Liwag sa isang interview.

Magtatalaga rin ang coast guard ng 27 fresh graduates mula sa K-9 training program na mababantay sa mga pantalan at makakatulong sa pagtunton sa anumang armas, bomba o iba pang deadly weapons.

Sinabi ni Liwag na ang Department of Transportation and Communications (DOTC) ay tumawag na rin sa lahat ng  ahensya na concern sa preparasyon ng Undas para sa pagpupulong kaugnay na rin sa pagsasaayos ng ”proactive approach.”

Kabilang s mga ahensya sa nasabing pagpupulong ay ang PCG, Maritime Industry Authority, Philippine Ports Authority, Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

“Gusto ni Secretary Roxas sa darating na Undas walang magkaroon na aberya o aksidente, at kung meron man maging maagap ang pagtugon ng ahensya ng departamento,” ayon pa kay Liwag.

Sinabi nito na kanilang babantayan  ang mga major ports na dadaanan ng mga biyahero o bakasyunista na pagsisipagtungo sa kanilang mga destinasyon.

Kasama umano ang North at South harbors sa Maynila, Batangas, Calapan (Oriental Mindoro), Matnog, (Sorsogon), Samar, at Cebu. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply