PCG nakaalerto na sa Undas

NAKAALERTO na ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa pagdagsa ng mga pasahero at bakasyunistang uuwi sa kani-kanilang mga probinsya sa darating na Undas.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ramon Liwag, nagpadala na ng sulat sa lahat ng coast guard units upang tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga pasahero na magsisipag-uwi sa probinsya hanggang sa pagbabalik nila sa Maynila matapos ang All Souls Day.

“Meron akong pinirmahan na Letter of Instruction… sa lahat na Coast Guard districts, units and stations. (Ang kanilang goal), maidaraos nang maayos ang pag-celebrate ang Undas,” ayon sa opisyal.

Umaasa naman si Liwag na lahat ng coast guard units ay nasa heightened alert sa oras na dumami at dumagsa ang pasahero sa mga pantalan bago mag-Undas.

Bagamat hindi nagbigay si Liwag ng timetable kung kelan ideklara ang heightened alert,  mahigpit silang nakabantay at nakaalerto hanggang sa makabalik ang mga bakasyunista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply