PCG palalakasin ang puwersa

PINAPLANO ng Philippine Coast Guard (PCG) na maaabot ang 25,000 bilang ng mga puwersa para mabantayan nang husto ang mahigit 7,000 isla sa buong bansa.

Ayon kay PCG Spokesman Lt. Cmdr Algier Ricafrente, sa ilalim ng kanilang long-term plan, target nilang maabot ang nabanggit na bilang sa loob ng 15 taon.

Para naman umano sa kanilang short-term plan, target nilang maabot ang 9,000 puwersa ng mga tauhan sa loob ng tatlo hanggang limang taon.

Sa kasalukuyan, may mahigit 6,000 mga tauhan ang PCG na kulang na kulang para mabantayan nang maayos ang mga isla sa Pilipinas na binubuo ng 7,107 islands. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply