PCG: Western Visayas, Northern Mindanao nasa heightened alert

INILAGAY na ng Philippine Coast Guard sa heightened alert status ang Western Visayas at Northern Mindanao dahil sa bagyong Ramon.

Sinabi ni PCG Commander Admiral Ramon Liwag, sa ilalim ng nasabing alerto ay mahigpit na ipinagbabawal ang paglalayag ng maliliit na barko, bangkang-de-motor at mga bangkang pangisda sa mga lugar na nakataas ang babala ng bagyo (storm signal).

Kaugnay nito, umabot sa 631 ang mga pasaherong na-stranded sa mga pantalan ng Tagbilaran, Cebu, Tacloban, Maasin at Surigao kaninang tanghali.

Binalaan na rin ng opsiyal ang mga mangingisda sa mga apektadong lugar na huwag nang pumalot.

Ayo pa sa ospiyal, hinahanap pa rin ng PCG ang 14 na mangingisda na nawala sa Infanta at Pangasinan noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Pedring (Setyembre 27).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply