PCSO: Tuloy-tuloy ang pagtulong

PINANINDIGAN ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chair Margie Juico na tuloy-tuloy ang tulong ng ahensya sa lahat ng charitable institutions na tumutulong sa medical at iba pang pangkalusugang pangangailangan ng milyon-milyong mahihirap.

Pinahayag ito ni Juico sa isang presscon kanina sa gitna ng mapanirang balita na ang ahensya diumano ay nagbawas sa mga 115 na charitable institutions na tinutulungan.

“Sa katunayan, pinupuri namin ang charitable institutions sa pag-aaruga nila sa mga mahihirap na may karamdaman. Iisa ang aming layunin. Kaya kami ay patuloy na magtutulungan at magsasama sa layuning ito,” giit ni Juico.

Pinaliwanag ni Juico na kung may kaunting pagkabalam ang releases ng pondo sa ibang charitable institutions, ang dahilan ay may problema ang mga ito sa liquidation ng pondong ibinigay sa kanila. “Sa katunayan, may ilang institution na may unliquidated accounts simula pa noong 2002. Ito ay labag sa kautusan ng Commission on Audit (COA) at kailangang ayusin muna bago mabigyan ng panibagong tulong,” sabi niya.

Dinagdag ni Juico na makikipag-usap sila sa mga apektadong institution upang dinggin ang kanilang panig at paliwanag. Binabalak din ng ahensya na magbigay ng seminars on accounting sa institutions para malaman ang wastong paraan ng pagli-liquidate ng pondo na dapat gastusin lang sa medical needs ng mahihirap.

Tungo pa sa pagpapalawak ng serbisyo ng ahensya, ipinahayag din ni Juico na sila ay nakikipag-ugnayan sa DSWD para sa accreditation ng iba pang charitable institutions sa ahensya.

Bilang paglilinaw ni Juico na dinagdagan nila mula P4-M daily hanggang P11-M daily ang medical assistance para sa mga pasyenteng ma-hihirap sa bagong itinayo nilang medical at dental facility sa Lung Center. Ang bagong medical facility ay nagseserbisyo sa mahigit na 700 pasyente araw-araw. Ibinalita rin na nagtatayo na ng satellite offices sa buong bansa upang mapalawak ang serbisyo ng ahensya sa mga mahihirap sa malayong lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply