PEACe bond probe, bubuhayin ni Jinggoy

BUBUHAYIN ni Sen. Jinggoy Estrada ang isinagawang imbestigasyon ng Senado noon sa kontrobersiyal na pagbebenta ng P10 bilyong PEACe bond ng Caucus of NGO Network (CODE-NGO) na pinamumunuan ni Social and Welfare Secretary Dinky Soliman.

Sa panayam nitong Lunes, sinabi ni Estrada na kanyang hihimukin si Sen. Serge Osmeña, chairman ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies na muling buhayin ang imbestigasyon sa PEACe bonds upang matukoy ang responsable sa proyekto.

“Early years in Gloria (former President, now Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo), and you know we should revisit the case. We have to call for an investigation kasi hindi pa yata sarado ang imbestigasyon,” aniya.

Nakatakdang bayaran ngayon ng Aquino government ang P35 bilyon, hindi kabilang ang principal at interest sa P10 bilyong sa 10 taong treasury zero coupon notes na iginawad noong Oktubre 2001 ng Arroyo administration sa Rizal Commercial Banking Corporation para sa Caucus of NGO Network (CODE-NGO) sa pamumuno ni Soliman.

Bagama’t itinanggi ni Soliman na sangkot siya sa kontrobersiyal na transaksiyon dahil hindi na siya opisyal ng CO”DE-NGO, ang grupong nakakopo ng P1.4 bilyong komisyon mula sa PEACe Bonds sa panahon nang isinasagawa ang transaksyon.

Aniya, hihimukin nito si Osmeña upang mabuksan muli ang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang may pananagutan sa proyekto tulad nang inirereklamo ni Sen. Ralph Recto na walang nangyaring public bidding at isa itong sweetheart deal.

Ayon kay Recto, normal na magkaroon ng withholding tax ang lahat ng bonds sa interest income na nagkakahalagang 20% pero sa kaso ng PEACe bond, mas mataas ang interes dahil walang nangyaring public bidding.

Idinagdag naman ni Sen. Edgardo Angara na kahit no interest coupon ang PEACe bond, kailangan bayaran naman ang interes sa pagtatapos ng sampung taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply