Peace talks sa MILF suspindehin– solons

NANANAWAGAN si Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, chairman ng House committee on defense and security, na itigil na ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang makapaglunsad na ng opensiba ang militar.

Hindi rin kumbinsido si Biazon na ang militar ang pasimuno sa pag-atake kaya naganap ang bakbakan sa Basila kung saan 22 sundalo ang namatay.

Naniniwala si Biazon na dapat lang na managot sa batas ang mga pasimuno at nasa likod ng naturang engkwentro.

Ganito rin ang reaksyon ni Antipolo Rep. Romeo Acop na nagsusulong na agad simulan ang matinding opensiba laban sa mga rebeldeng MILF.

Sinabi ni Acop na ang naganap na pananambang ay hayagan lamang ng kawalan ng sinseridad sa panig ng mga rebeldeng grupo sa pakikipag-usap sa gobyerno at isinasangkalan lamang nila ang peace talks.

Ipinaliwanag ni Acop na masyadong kawawa ang mga sundalo na sumusunod lang sa umiiral na patakaran sa peace talks subalit madalas pa rin silang inaatake ng mga rebelde kaya’t inirekomenda na rin ng kongresista na magsagawa ng assessment sa MILF kung talagang sila ang kumakatawan sa lahat ng mga Muslim.

Nais naman ni House Assistant Minority Leader at Zambales Rep. Milagros Magsaysay na magkaroon ng imbestigasyon sa naganap na bakbakan sa Basilan.

Mahalaga aniyang matukoy kung sino ang lumabag sa usapang pangkapayapaan gayung may namamagitang kasunduan sa pagitan ng gobyerno at MILF.

Kinalampag din ni Magsaysay ang International Monitoring Team, Commission on Human Rights at iba pang sektor na walang kinalaman sa peace negotiation na makilahok sa gagawing imbetigasyon ng Kongreso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply