Pedring, Quiel at Ramon bagong atraksyon sa Manila zoo

IPINANGALAN sa mga bagyong Pedring, Quiel at Ramon ang bagong ipinanganak na tatlong tiger cubs sa Manila Zoo.

Gayunman, nilinaw ni zoo head veterinarian Dr. Donald Manalastas na ang mga ibinigay na pangalan ay “unofficial” at “temporary” lamang dahil ihihingi pa ito ng permiso sa kinauukulan.

Ang zookeepers aniya ang nagbansag sa kanila matapos bayuhin ng 3 cyclones na “Pedring” (Nasat), “Quiel” (Nalgae) at “Ramon” (Banyan)  ang bansa nitong huling bahagi ng Setyembre na ikinamatay ng mahigit sa 100 buhay at nag-iwan ng bilyong pisong danyos.

Maging ang Manila Zoo ay hindi rin nakaligtas sa pananalasa ni Pedring.

Sa kasalukuyan, may 11 tigre na sa naturang zoo pero dahil may tatlong kapapanganak na tiger cubs ay umakyat na ang bilang nito sa 14.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply