Pekeng dentista dinampot sa Cavite

MATAPOS makakuha ng kumpirmasyon sa Professional Regulation Commission (PRC), ikinasa agad ng pulisya ang pagdampot sa isang babaeng nagpapanggap na lisensiyadong dentista sa Imus, Cavite at nakapag-operasyon na sa loob ng 15 taon.

Ang umano’y pekeng dentista na si  Evelyn Tapel Bernal ay naaresto kagabi (Oktubre 7) sa kanyang klinika sa isinagawang entrapment operation ng Cavite’s Crime Investigation and Detection Group (CIDG) at ng Philippine Dental Association (PDA).

Ayon kay Dr. Ferdinand Reyes, PDA vice chairman for legal affairs, ang paghuli kay Bernal ay ang ika-walong kaso ng illegal dentistry practice sa Cavite.

Ang paghuli kay Bernal ay base sa reklamo ng isang ayaw magpakilalang licensed dentist na nakabase rin sa Cavite na naghinalang nagpapapanggap lamang ang suspect na may lisensiyang dentista.

Inaakusahan si Bernal sa reklamo ng paghihikayat sa mga pasyente na huwag tangkilin ang mga lehitimong dentista sa lugar at sa mas mababang dental services.

Ipinagtanggol naman ng suspek ang sarili. “Well, I’m a dentist [but] less theoretical lang nga.”

Dinala ng Cavite CIDG ang suspect sa kanilang police station at nakakasang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9484 o Philippine Dental Act of 2007. Robert C. Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply