Pekeng pulis tiklo sa pangongotong

HIMAS-HERAS ang 44-anyos na nagpakilalang pulis nang mahulihan ito ng toy gun at nakasuot pa ng uniporme ng alagad ng batas habang nangongotong sa isang ginang kaninang umaga sa Montalban Rizal.

Kinilala ni Sr. Supt. Manuel Cesar Prieto, Rizal PNP Provincial Director ang nadakip na si Alex Francisco y Costanez, drayber at nakatira sa Sitio Marang, Barangay Maly, San Mateo Rizal.

Pormal naman na naghain ng reklamo ang ginang na si Maricel Reamico, 33-anyos, may-asawa at residente sa Kasiglahan Village, Brgy., San Jose, ng nabanggit na bayan.

Dakong 8:30 ng umaga ng dakpin ni PCP-commander SP01 Edwin Ignacio, ang suspek batay sa reklamo ng ginang sa Kasiglahan Village.

Lumitaw na dumating sa bahay ng biktima ang suspek na nagpakilalang pulis.

Makaraang masakote ang suspek ay dumagsa ang nagrereklamo laban dito tulad ng mga jeepney at tricycle driver sa lugar na nagsasabing kinikikilan sila ng suspek ng arawang “butaw” na P20.00.

Tinatakot umano sila ng suspek gamit ang baril na isa palang toy gun.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply