Pera ng magniniyog sa SMC, babawiin ng Senado

BABAWIIN na ng pamahalaan ang milyong halaga ng salapi ng magniniyog sa San Miguel Corporation (SMC) upang gawing inisyal na pondo sa itatayong Coconut Farmers Trust Fund na may layuning bigyan ng proteksiyong pinansiyal ang coconut industry at manggagawa nito.

Ganito ang nakapaloob at layunin ng isang panukalang batas na inihain ni Senate President Juan Ponce Enrile na magbubuo ng Coconut Farmers Trust Fund upang mabiyayaan ang magniniyog sa kinolektang coco levy sa industriya.

Ayon kay Enrile, idedeklarang pondo ng trust fund ang bloke ng sapi ng Coconut Industry Investment Fund (CIIF) Oil Mills Group (OMG) sa San Miguel

Corporation kabilang ang lahat ng ari-arian at yaman na nanggaling sa coco levy na nabawing assets bilang public funds.

Ilalagay naman ito sa  Coconut Farmer Trust Funds upang pondohan ang program para sa benipisyo ng coconut farmers, pataasin ang produksiyon ng industriya

ng magniniyog at para sa kaunlaran ng coconut-based enterprises.

Alinsunod sa Section 6 ng panukala, ang Trust Fund, na panghabambuhay na imementeni at pananatilihin na kinabibilangan ng CIIF SMC Shares na umaabot sa 27 porsiyento ng outstanding capital stocks ng SMC kabilang ang kinitang salapi at stock dividends kabilang nag ari-arian o assets na nanggaling sa nabawing coco levy.

Sinabi pa ni Enrile na magbubuo ng isang Coconut Farmers Trust Fund Committee upang matiyak na matatanggap at mapupunta sa maliliit na magniniyog ang anumang benipisyo at kita sa trust fund.

Ang komite ang mamamahala, magdedesisyon at gagamitin sa kikitain ng pondo ng trust fund, ayon pa sa panukala.

Isa ang Pilipinas sa pinakamalaking produksiyo ng produktong niyog sa buong mundo. Aabot sa 25 porsiyento ng kabuuang lawak ng lupang agrikultural ang ginagamit sa pagtatanim ng niyog at tinatayang aabot sa 25 hangggang 33 porsiyento ng kabuuang populasyon ang nakasandig sa industriya ng pagniniyog bilang sa kabuhayan.

Kaya noon, ayon kay Enrile, tumaas ang halaga ng langis mula sa niyog sa pandaigdigang pamilihan kaya’t nangolekta ang pamahalaan ang levy mula sa magniniyog upang mapatatag ang presyo ng coconut-based consumer products noon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply