Pera-pera ang lakad ng IJM at hindi ang adhikain nila

NAKADE-DEMORALIZE pag naalala ko ang minsang sinabi ni US Ambassador Harry Thomas na 40 % ng mga lalaking turistang nagtu-tour sa Pilipinas sex lang ang hanap.

Hindi dapat na palampasin ng ating gobyerno ang iresponsableng pananalitang ito ni Thomas. Isang napakalaking  kahihiyan ng ating bansa ang sinabing ito ni Thomas dahil buong mundo ang nakapakinig nito.

Lumilitaw kasi sa ilang  report na ang sinabing ito ni Thomas ay galing sa isang liham mula sa International Justice Mission (IJM) na nagbigay ng mga ‘info’ ukol sa kanilang misyon na patigilin ang human trafficking sa bansa.

Ayon sa impo sa embassy, ang IJM ang siyang nagbigay ng maling ‘info’ kay Thomas para makapangalap umano ang mga ito ng ‘donasyon’ para sa kanilang organisasyon sa buong mundo.

Nabatid na matagal na umanong ginagawa ito ng IJM dahil sa makikinabang sila ng malaki hangga’t patuloy silang nakapagsasara ng mga establisimyento sa Pilipinas na sangkot sa human trafficking ganung ang IJM  daw mismo ang  nagta-tanim ng mga ebidensya sa mga bibiktimahin nila.

Pag napasara na nila ang isang club, doon sila nakakukuha ng donasyon dahil lahat ng kanilang mga nire-raid na club ay ipino-post sa website.

PERA-PERA ANG ADHIKAIN

Kung talagang seryoso ang ginagawang kampanya ng International Justice Mission sa human trafficking sa bansa ay bakit hindi nila unahing ipa-raid ang Metalica Disco sa Quezon Ave. QC.

Sa disco house na ito ay lantaran ang bentahan ng sex ng mga GRO sa kanilang kostumers sa  mga vip room.

Hayagang kinakalakal ng mga babae rito ang kanilang mga katawan sa kanilang mga kostumer sa basbas ng may-ari nito?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply