Permit to carry ni Llamas isapubliko — Honasan

HINAMON ni Senador Gringo Honasan na isapubliko ni Presidential adviser on political affairs Ronald Llamas ang permit to carry firearms para sa kanyang limang high powered guns, kabilang na ang AK-47.

Ginawa ni Honasan ang hamon matapos magduda sa paliwanag ni Llamas.

Ayon kay Honasan, chairman ng Senate committee on public order, makatutulong kay Llamas kung ilalabas sa publiko ang mga papeles ng matataas na uri ng mga armas na nakita sa suv nito na naaksidente kamakailan.

Sinabi ni Honasan na dapat magkaroon ng transparency sa panig ni Llamas dahil mas mabigat ang latay sa Malakanyang kung pagtatakpan ang isyu.

Samantala, nagsagawa ng public hearing si Honasan kanina kaugnay ng mga batas na magre-regulate sa pagdadala ng mga armas at bomba na may katapat na mabigat na kaparusahan.

Nangangamba si Honasan sa ulat ng PNP na mahigit isang  milyong armas ang itinuturing na loose firearms o walang lisensya na maaaring hawak ng mga organisadong criminal syndicates.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply