Petisyon ng utak sa pagpatay sa mamamahayag ibinasura ng CA

IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang petisyong i-dismiss ang kaso laban sa mga itinuturong utak sa pagpatay sa mamamahayag na si Marlene Esperat.

Nasasaad sa 26-pahinang resolusyon, sinabi ng 21st division ng appellate court na nagpu-forum shopping lamang ang mga suspek na sina Osmeña Montañer at si Estrella Sabay.

Nanilbihan si Montañer bilang finance officer habang chief accountant naman si Sabay ng Department of Agriculture (DA) Region 12.

Magugunitang pinatay noong Marso ng 2005 si Esperat matapos ibunyag nito ang tungkol sa anomalya sa Fertilizer Fund Scam na kinasangkutan nila noo’y agriculture Secretary Arthur Yap at under Secretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante.

Nitong nakaraang Oktubre 24, 2008 nagpalabas na ng hold departure ang Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang opisyal ng Department of Agriculture sa Region 12 na nasa likod ng pagpatay sa  mamamahayag na Esperat.

Sa isang pahinang kautusan na ipinalabas noon ni Justice Secretary Raul Gonzalez, ipinag-utos nito sa Bureau of Immigration (BI) na ilagay sa hold departure list sina Montaner at Sabay.

Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, baka makalabas na ng bansa ang dalawa at takasan ang kinakaharap nilang kasong murder kaya’t nagpalabas ng HDO laban sa mga ito.

Matatandaan na nauna nang nagpalabas ng warrant of arrest ang Tacurong City Regional Trial Court (RTC) branch 20 laban sa dalawa.

Kaagad namang nilinaw ni DOJ Undersecretary at TF 211 chairman Ricardo Blancaflor na ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa dalawang opisyal ay bunsod sa mga naipon nilang ebidensiya na mag-uuganay kay Montaner at Sabay sa pagpatay kay Esperat. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply