Petisyon sinupalpal ng SC

SINUPALPAL ng Supreme Court ang petisyon ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office chair Manoling Morato na kinokontra ang paglipat ng PCSO main office sa Philippine International Convention Center complex, Pasay City mula sa QI compound, sa E. Rodriguez Avenue.

Sa isang resolusyong inilabas noong Setyembre 9, 2011, ipinahayag ng 3rd Division, chaired by Associate Justice Presbiterio Velasco, na ang PCSO Board Resolution na tinuligsa ni Morato ay “in accordance with the facts and applicable law and jurisprudence.” Idiniin pa ng resolusyon na ang PCSO ay walang ginawang “any grave abuse of discretion.”

Ikinagalak ni PCSO Chair Margarita Juico ang desisyon na nabatid lamang niya noong Oktubre 18. “I’m glad the issue has been settled by the court so the board can continue to focus on more important things. We knew it would not prosper because we knew what we did was right.”

Idinugtong pa ni Juico na ang resolusyon ng paglipat ay ibinase nila sa rekomendasyon ng Department of Public Works and Highways Quezon City Engineer’s Office at ng isang private consultant ng ahensiya na dapat umalis sa QI compound dahil sa dami nitong structural defect na makapagpapahamak sa marami kung magkakaroon ng major calamities tulad ng lindol at super typhoon.

Sa rekord, ang QI na idinesenyo ni National Artist for Architecture Juan Nakpil ay 72 taon na at matagal nang inirekomenda ng DPWH for demolition. Ang petisyon ay inihain ni Morato sa SC noong Oktubre 12, 2010.

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagbatikos ni Morato sa isyu at PCSO. Samantala, maraming mabibigat na kasong kriminal ang hinaharap at dapat na asikasuhin ni Morato. Kabilang dito ang kanyang electioneering case noong 2010 na airtight ang ebidensiya na pinangampanya niya sa Channel 4 ang mga senatorial candidate ng administrasyong Arroyo. Isa pa rito ang pagkakasangkot niya sa isang plunder case na isinampa sa Ombudsman ng kasalukuyang PCSO Board laban sa old board. Ang plunder case ay nag-ugat sa pagbili ng thermal paper sa isang foreign firm na disadvantageous sa pamahalaan.

Matatandaan din na may ilang libel cases noong nakaraang taon si Morato tulad ng isinampa ni ex-President Joseph Estrada na pinatawad siya noong huli nang maluklok na pangulo si Erap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply