Petron Blaze Boosters susubukan ng Barako Bull

TATANGKAING irehistro ng Governor’s Cup titleholder na Petron Blaze Boosters na maitala ang pangalawang panalo laban sa Barako Bull Energy matapos maiwasiwas ang contender na B-Meg Derby Ace Llamados sa iskor na 73-69 kasunod ng pagbigo ng Powerade Tigers sa baguhang Shopinas.com Clickers, 98-87, sa pangalawang araw ng laro ng Philipine Cup na ginanap sa Cuneta Astrodome kahapon (Oktubre 5).

Ang balik-larong Barako Bull ay ipaparada ang kanilang 2011 rookie draftees na sina Alain Maliksi, Ken Acibar at dating Smart Gilas player na si Dylan Ababou.

Sa initial game ng Clickers ay hindi nasubukan ang top pick na si Jayvee Casio na may injury habang sina Gary David at ang beteranong si Celino Cruz ay nagpiyesta sa Tigers sa kanilang 31 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa kabila ng pagkatalo sa inisyal na pagsabak ay kinakitaan pa rin ng kasiyahan si team owner Sheila Lina sa ipinamalas na laro ng kanyang player tulad ng beteranong si Renren Ritualo, Jojo Duncil at baguhang si John Sena na tumotal ng 45 points.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply