Petron dapat nang bilhin ng gobyerno– solon

ISINULONG muli ng isang kongresista ang posibilidad ng pagbili ng gobyerno sa Petron gamit ang P151 bilyon Malampaya fund matapos muling maitaas ang presyo ng krudo.

Paliwanang ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na mahalagang mabili ng pamahalaan ang Petron dahil papayagan ng gobyerno na magbenta ng produktong petrolyo sa tamang halaga at mahihirapan ang ibang petroleum players tulad ng Chevron at Shell na magbenta ng overprice.

Binigyang diin pa ni Colmeres na base sa ulat ng Commission on Audit (COA) at Department of Energy (DOE), ang kabuuang pondo ng Malampaya na nakolekta simula noong 2002 hanggang June 30, 2011 at nakalagay sa special account na tinawag na Fund 151 ay umaabot na sa P115,172,459,739.78 .

Ayon pa sa kongresista, itinago ang pondo sa pagbusisi ng publiko at nagamit bilang presidential pork barrel ng nakaraang administrasyong Arroyo kaya mula 2002 hanggang June 30,2011, ang nagastos mula sa Malampaya fund ay umabot sa P23.6 milyon sa mga umano’y iregularidad na proyekto.

Naniniwala si Colmenares na kayang-kayang bilhin ng gobyerno ang Petron gamit ang Malampaya fund dahil sa ang kabuuang cost of grade ng isa sa pinakamalaking main refiery sa Bataan ay US$ 1.8 bilyon na isang bloated na halaga at kailangan masiguro ng pamahalaan na hindi mabibili ang Petron ng sobrang halaga sa kabila naman nito ang nasabing halaga ay wala pa sa kalahati ng natitirang Malampaya funds na sinasabi ng Aquino government na nagkakahalaga ng P169 bilyon sa darating na 2012.

Idinagdag pa ni Colmenares na upang maramdaman naman ng mga Filipino ang napakalaking pondo ay dapat nang bilhin ng gobyerno ang Petron dahil sa malaki umano ang magiging impact nito sa lahat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply