Petron, TNT tatangkaing makisalo sa liderato

MAKIBUHOL sa top spot ang plano ng Petron Blaze Boosters at Talk ‘N Text Tropang Texters subalit dahil sila ang magkatunggali ay isa lang sa kanila ang puwedeng sumampa.

Mag-isa sa unahan ang Rain or Shine Elasto Painters na may 4-1 win-loss slate habang 3-1 ang tangan ng Boosters at Tropang Texters bago ang nakatakda nilang paghaharap bukas (Oktubre 28) dakong alas-7:30 ng gabi sa 2011-12 PBA Philippine Cup elims sa Smart Araneta Coliseum.

Galing sa panalo ang Talk ‘N Text kontra B-Meg Llamados, 96-94 habang hilahod sa huling laban ang Boosters sa Meralco Bolts, 70-80.

Sa unang sultada, hahalukayain ng Alaska Aces ang kanilang unang panalo laban sa Bolts upang mapasama sila sa win column.

Nasa fifth to sixth places ang Bolts kasama ang Barangay Ginebra Kings na may 3-2 karta habang nakabaon sa pang siyam na puwesto ang Aces na bokya pa rin sa apat na laro.

Samantala, nilagok ng Kings ang ikalawang sunod na panalo kagabi (Oktubre 26).

Nasa dugo na ng Kings ang never-say-die kaya naman kahit tinambakan sila ay nakahabol pa rin ito upang lasingin ang wala pang panalong Shopinas Clickers, 94-90 sa isang overtime game.

Kahit nanalo ang Kings ay parang hindi pa rin lubos ang kasiyahan ni coach Siot Tanquingsen dahil gusto nito na maging ang kanyang young players ay magdeliver sa oras ng kagipitan.

“We’re still trying to mix the guys. The veterans have done their part,” ani Tanquingcen. “Dumating ako rito 2004 sina Eric (Menk), Mark (Caguioa) at Jayjay (Helterbrand) ang main guys ko. Ngayon sila pa rin.”

Kasalo ng Boosters at Texters sa second to fourth places ang Barako Bull Energy. May 0-5 baraha ang Clickers. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply